Best Lesson Plan and Complete Set of Material


Best Lesson Plan and Complete Set of Material 

GUIGUINTO NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Guiguinto, Bulacan
Departamento ng Araling Panlipunan

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan X: Kontemporaryong Isyu
Gender Roles sa Iba’t ibang Panahon sa Pilipinas


I.                   Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
a)      nasusuri ang gender roles sa iba’t ibang panahon sa Pilipinas;
b)      naipapakita sa pamamagitan ng tableau ang gender role sa iba’t ibang panahon sa Pilipinas; at
c)      nalalaman ang kahalagahan ng pag-aaral ng gender role sa Pilipinas.

II.                Paksang Aralin
A.    Paksa:                   Gender Roles sa iba’t ibang panahon sa Pilipinas
B.     Talasanggunian:  AP 10 Learner’s Module pp. 266-269
AP 10 Teacher’s Guide pp. 238-240
C.    Kagamitang Pang-turo:  Kagamitang biswal, Projector, Laptop, Chalk, larawan na may kaugnayan sa aralin.

III.             Pamamaraan:
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
     A.    PAGHAHANDA
Magandang hapon Kamagong!

Tayo ay tumayo at magdasal.

Bago kayo umupo, pulutin ang mga kalat sa paligid at ayusin ang inyong mga upuan.


Maaari na kayong umupo.

May lumiban ba sa ating klase ngayong araw Secretary?

Noong nakaraang araw, tinalakay natin ang konsepto ng gender at sex. Ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawa?




Very good! Magbigay nga ng halimbawa na nagpapakita ng kahulugan ng gender.







Tama! Mayroon pa ba kayong katanungan tungkol sa konsepto ng gender at sex?

     B.     PAGGANYAK/ LUNSURAN
Ngayon ay dadako na tayo sa ating bagong aralin. Bago yun, suriin muna natin ang mga uniporme na nasa larawan.

(Magpapakita ng uniporme ng sundalo, nurse, guro at construction worker)
Ano ang napansin ninyo sa mga larawan na inyong nakita?


Magaling na pagsusuri!
Ano ba ang mga ginagampanan na tungkulin ng ganitong trabaho?






Tama! Lahat naman sa atin ay iisa ng nasa isip pag dating sa tungkulin kanilang ginagampanan.
Anu bang kasarian ang unang pumapasok sa isip niyo pag nakakakita kayo ng mga sundalo, nars, guro at construction worker?



Very good! Bakit kaya idinidikta ng lipunan na ang ganitong propesyon o trabaho ay para sa mga ganitong kasarian?





Magaling! At yan ang ating paksa sa araw na ito, mga gampanin at tungkulin ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan na tinatawag na?


Tama! Ang Gender roles ay tumatalakay sa mga gampanin ng isang tao sa lipunan depende sa kasarian niya. Kung uugatin natin kahit noong panahon ng pre-kolonyal o panahon na hindi pa tayo nasasako ng Espanyol ay may gender roles ng umiiral sa kanilang lipunan.

     C.    PAGTATALAKAY

(Magpapanuod ng video patungkol sa kababaihan noong panahon ng pre-kolonyal)
Anong ginampanan ng kababaihan noon base sa mga sinabi at napanuod niyo sa Video?






Tama ang lahat ng inyong nakita at napakinggan. Ano ba ang binukot at babaylan?










Very good! Halatang naenjoy niyo ang panonood. Sa kalalakihan naman ay tulad din ng babaylan ngunit sila ay namumuno sa politikal na aspeto ng kanilang bayan.

Ano pa ba sa tingin niyo ang inaasahan sa  mga kalalakihan noon?



Magaling! Sa kabuuan ang mga lalaki din ang inaasahan ang maghanapubhay samantalang ang kababaihan naman ang may-bahay.

Nakikita ba natin na may pantay na karapatan ang lalaki at babae sa panahon ng pre-kolonyal?









Tama! Ngunit may isang lipunan na kung saan mas mataas ang pakiling sa kalalakihan. Yun ay ang lipunan sa Mindanao.



Magaling! Ngunit ano naman ang gagawin kung nakita nila na may kasamang iba ang asawa nila?



Very good! Lagumin na natin ang ating napagusapan sa panahon ng pre-kolonyal.






Magaling na pagsusuri.
Ngayon naman ay dumako tayo sa panahon ng mga Espanyol.

Ayon kay Garcia sa kanyang akda na Position of Women in the Philippines ang kababaihan ay nakabatay lamang sa dalawa, ang una ay pagiging ina at pangalawa ay sa pagiging relihiyosa o pagapasok sa mga kumbento. Samantalang ang kalalakihan ay nakakapagaaral sa mga prestihiyong mga paaralan na laan lamang para sakanila.
Ngunit sa panahon ng rebelyon o mga pag-aalsa ay nagpamalas din kalakasan ang ilan sa mga kababaihan sa Pilipinas.
Magbigay nga ng pangalan ng mga babaeng inyong nakilala sa paglaban sa mag espanyol para makamit ang kalayaan?






Tama! Ilan lamang sila sa mga nakipaglaban na Pilipina upang makamtam ang kasarinlan.

Tanging ang kalalakihan lamang ang nakakapag aral dahil doon ay nagkaroon ng mga propesyon tulad ng doctor at abodago. Ang iba ay naging prayle. Humahawak din sila ng maliliit na posisyon sa gobyerno tulad ng cabeza de barangay at gobernadorcillo.

May mga katanungan pa ba? Sunod naman ang panahon ng amerikano na nagpabago sa buhay ng kababaihan noon.
Dito nila nakamtam ang pantay na karapatan kasama ng kalalakihan.




Sa panahong din iyon, naipasa ang plebesito na naglalayon na ang kababaihan ay makilahok sa mga isyu ng politika na napirmahan noong Abril 30, 1937 sa kadahilanang 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay karapatan sa kababaihan na makaboto at makisali sa isyu ng politika.

Sa tingin niyo anu pa ang ginampanan ng kalalakihan sa panahong ito?





Tama! Hindi nabago ang gampanin ng mga kalalakihan.nagpatuloy lang ito.
Anung susunod na panahon?

May ideya ba kayo kung anung ginampanan ng mga lalaki at babae noon?

Very good! Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan sa pwersa ng hapones. Sa kadahilanang kailangan ipaglaban ng kababaihan ang kanilang pamamahay dahil sa walang lalaki na magproprotekta sa kanila dahil ito ay nasa digmaan din.
Kilala niyo ba ang mga mukhang ipapakita ko?
(Magpapakita ng larawan ni Josepha Llanes Escoda)


Very good! Ilan lamang sila sa mga taong tumulong lumaban sa hapones.

Kilala niyo ba ang mga comfort women?
Sa kabila ng pakikibaka ng mga kakababaihan, Hindi pa din nawala ang karahasan at pangaabuso sa kanila.

Ngayon ay makakarelate na kayong millenials dahil andito na tayo sa kasalukuyang panahon.
(Magpapakita ng larawan ng house husband at babae bilang breadwinner)
Anong masasabi niyo sa picture?

Tama! Bakit sa tingin niyo ganito na ang nangyari sa kasalukuyang panahon?



Mahusay! Isang dahilan yan kung bakit nagpapago ang gender role sa Pilipinas

     D.    PAGLALAPAT
Para mas lalo pa nating maintindihan ang ating aralin, magkakaroon tayo ng pangkat gawain. Ang gagawin niyo ay isang tableau, ang kada grupo ay magpapakita ng pagkakaintindi ng aralin tungkol sa mga gender roles sa iba’t ibang panahon sa Pilipinas.

Sa unang grupo: Panahon ng Pre-Kolonyal.
Sa ikalawang grupo: Panahon ng Espanyol.
Sa ikatlong grupo: Panahon ng Amerikano.
Sa ika-apat na grupo: Panahon ng Hapon.
Sa ikalimang grupo: Gender roles sa aking lipunan.

Mayroon lamang kayong 10 minuto para maghanda sa inyong performance at mayroon lamang kayong 2-3 minuto ipang ipakita, ipaliwanag ang inyong presentasyon.

Pero bago tayo mag simula sa inyong paghahanda, alamin muna natin kung ano ang magiging rubriks ng inyong performance, ito ang rubriks ng inyong performance:

Mahusay! Lahat kayo ay pawang naunawaan ang ating paksa ngayong araw.
(Babanggitin ang kanilang mga iskor na nakuha)

     E.     PAGLALAGOM/ PAGPAPAHALAGA
Para sa ating pangwakas na gawain. May inihanda akong 3-2-1 Chart. Sasagutin lang natin ang hinhingi ng chart na ito.

3 – tatlong gender roles ng kababaihan sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan sa Pilipinas
2 – dalawang gender roles ng kalalakihan ng ginampanan nila sa iba’t ibang panahon sa Pilipinas.
1 – sa pamamagitan ng 2-3 pangungusap ay ipaliwang ang kahalagahan ng pag aaral ng gender roles na naganap sa bansa natin.


Magandng hapon din po Sir Jayson!

(Magdadasal ang lahat)


(Pupulutin ang mga kalat at aayusin ang upuan)

Maraming salamat po!


(Magtatala ng mga liban sa klase)



Ang sex ay tumutukoy sa kasarian, lalaki o babae. Samantalang, ang gender ay tumutukoy sa panlipunang gawain, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa babae at lalaki.


Sir, ang trabaho po na ginagamitan ng lakas ay para sa lalaki lamang at mga gawaing bahay naman ang sa mga babae.

Sir, ang pagiging mahinhin po at dalisay ay mga katangian na makikita sa mga babae.




Wala na po.








Mga uniporme ng iba’t ibang trabaho po.




Sundalo po sir ay nagpapanatili ng kaayusan sa ating bansa. Nars naman po ay katuwang ng doctor manggamot ng may sakit. Ang guro ay para turuan ang bata/estudyante ng mga aralin at construction worker ay para magtayo ng bahay at gusali.






Lalaki po para sa sundalo at construction worker at kababaihan naman po para sa nars at guro.



Sa sundalo at construction worker po ay nangangailangan ng lakas na pisikal samantalang ang pagiging guro at nars ay mapagkalingang damdamin o damdaming ng babae na nagaaruga.



Gender roles po sir.














Sir, na ang babae ay may pantay na karapatan tulad ng mga lalaki.
May posisyon din po sila sa lipunan na kanilang kinabibilangan.
Mga binukot at babaylan po sir.



Sabi nga po sa video ang babaylan ang ugnayan ng mundo at espiritwal na daigdig. Sila din po ang may kaalaman sa gamot o medisina at alam po nila ang kwento ng kanilang bayan. Tulad din po ng babaylan, ay alam din po ng binukot ang kwento ng kanilang lipunan. Tinawag din po sila sa video na anting anting ng mga datu at sila din po ang nais na pakasalan ng datu dahil sa taglay nilang mga kagandahan.







Mangaso po sir.
Magsaka po sir.
Magtrabaho po sir.







 Opo sir, Dahil ang babae at lalaki ay naghahati sa mga pwesto sa lipunan. Halimbawa po ang datu ay para sa kalakihan at ang pagiging babaylan ay para sa kababaihan.




Ang mga kalalakihan po kasi dun ay pwede magasawa ng madame hanggat kaya niyan buhayin.



Maari po nila itong patayin o kaya naman po bawiin ang ari-arian na napundar nila nung sila ay nagsasama pa.


Mayroon pong pantay na pagtingin pagdating sa lipunan ang babae at lalaki.
May lipunan na mababa ang tingin sa kababaihan tulad ng sa Mindanao
Nakadepende po sa lipunan ang gender equality.



















Gabriela Silang po, Sir. Siya po ang humalili sa Ilocos ng mamatay ang kanyang asawa na si Diego.
Melchora Aquino po, Sir. Nagsilbi po siyang doctor upang gamutin ang mga sugatan at may sakit na sundalong Pilipino.















Nagbukas ang mga pampublikong paaralan para sa bababe at lalaki, mayaman o mahirap dahil dito hindi na umiikot ang buhay nila sa bahay at simbahan lamang.











Nagpatuloy lang po ang ibang mga kalalakihan. Naging propesyunal tulad ng abogado at humawak ng malalaking posisyon sa gobyerno.



Sir, Panahon ng hapon po.


Nakipagdigma po Sir.








Siya po sir si Josepha Llanes Escoda ang nagtatag ng Girl Scout.














Sir, nabaligtad napo ang kalagayan na dati ang lalaki ang nagtratrabaho para sa pamilya, ngayon po kadalasan na babae na ang naghahanap-buhay para sa pamilya.

Siguro po sir, dala na din ng kahirapan kaya nagtratrabaho na din pati ang babae para sa kanilang pamilya.
























Maghahanda at ipapakita ang presentasyon nila.


IV.              Ebalwasyon
            TAMA O MALI. Sagutin lamang kung tama o mali ang mga pangungusap na tumatalakay sa gender role sa Pilipinas.
________1. Ang mga binukot ay itinuturing na prinsesa na hindi maaring makita ng kalalakihan hanggang sa ito ay magdalaga. 
________2. Sa panahon ng mga Kastila ay nakamit ng kababaihan ang karapat sa pagboto at pakikialam sa isyu ng politika. 
________3. Si Gabriela Silang ay ilan lamang sa mga pilipina na lumaban sa mga Kastila. 
________4. Sa bahay at simbahan lamang umiikot ang mundo ng mga kababaihan sa panahon ng pre-kolonyal.
________5. Ang mga comfort women ay itinuring ng mga hapones na kapatid, ate at magulang ng panahon ng mga hapones. 
________6. Malaki ang pagbabago sa gender role sa makabagong panahon. Ang lalaki ay nanatili sa bahay at ang babae ang nagtratrabaho. 
________7. Si Josefa Llanes Escoda ang nagtatag ng Girl Scout of the Philippines at tumulong sa pakikipaglaban sa Hapones.
________8. May pantay na karapatan ang kababaihan at kalalakihan noong panahon ng pre-kolonyal. 
________9. Malaki ang pagkiling sa mga lalaki noong panahong pre-kolonyal, Maari nilang hiwalayan ang asawa nila sa pamamagitan ng pagbawi sa mga gamit o ari-arian sa panahong sila ay nagsasama pa.
________10. Bukas ang mga paaralan noong panahon ng Kastila para sa mga kalalakihan lamang. 

V.                Kasunduan
Magsaliksik tungkol sa kalalagayan ng babae at lalaki sa mga sumusunod na lipunan;
a.       South Africa
b.      Papua New Guinea
a.       Arapesh
b.      Mundugumur
c.       T’chambuli
c.       Arabic Community

Maaring kumuha sa internet o kaya naman sa AP 10 Learner’s Module pp. 274-277

Inihanda ni:

Sgd. JAYSON C. ADARAYAN
        Student Teacher
Sa kabatiran nina:

Sgd. Mr. JAYSON C. PEREZ
        Cooperating Teacher


Sgd. Mr. Miguel SJ. MOLDERO
        Head Teacher VI

Inaprubahan ni:

Sgd. Ms. MARISSA O. RAMOS
        Principal IV









Slides from my PowerPoint during my Final Demonstration




Photos taken during my Final Demonstration with my Instructional Materials 

The last stage in Practice Teaching, the final verdict, the judgement. The problem that everyone faces when practice teaching starts. The outcomes of experiences in teaching in our respective cooperating schools. Everyone giving their best shot on their final demonstration. Long preparation, careful planning, awesome instructional materials and also sleepless nights.

The lesson plan that I used in the demo was the best lesson plan that I made. It undergoes a careful planning together with my CT. It undergoes a series or checking and revising to make it better to best. As Sir Jayson told me that content first and everything follows, a good lesson plan follows a good strategies and materials. Materials that made with caution that it follows the content. Also, it undergoes different revisions.

        The day came, everything was prepared and it goes smoothly. Debriefing time and comments were served. Well written lesson plan and good choice of instructional materials. The gratitude regarding my demo was also addressed to my cooperating teacher, Sir Jayson for endless support to make this thing possible. The good lesson plan and instructional material of student teacher were crafted through the proper guidance of their best cooperating teacher.  

Comments

  1. So far one of the best lesson plan I ever read, kudos to you and to your cooperaring teacher

    ReplyDelete

Post a Comment